Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Selomot

Selomot

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kapayapaan”].

1. Ulo ng isang sambahayan sa panig ng ama na kabilang sa mga inapo ng anak ni Levi na si Gerson.​—1Cr 23:6, 7, 9.

2. Isang Kohatitang Levita na mula sa pamilya ni Izhar; kilala rin bilang Selomit.​—1Cr 23:12, 18; 24:22.

3. Isang Levitang inapo ni Moises sa pamamagitan ng anak nitong si Eliezer. Inilagay ni David si Selomot at ang mga kapatid nito upang mangasiwa sa mga kayamanan ng mga banal na bagay, lakip na ang pinabanal na samsam mula sa digmaan na kinuha ng mga Israelita. (1Cr 26:25-28) Tinawag din siyang Selomit.