Sema
[1-4: Malamyos na Tunog]
1. Isang anak ni Hebron at ama ni Raham sa linya ng mga inapo ni Juda sa pamamagitan ni Caleb.—1Cr 2:42-44.
2. Isang inapo ni Ruben.—1Cr 5:3, 8.
3. Ulo ng isang Benjamitang sambahayan na namayan sa Aijalon at isa sa mga nagtaboy sa mga tumatahan sa Gat. (1Cr 8:12, 13) Malamang na siya rin ang Simei sa 1 Cronica 8:21, na doon ay ipinakikilala bilang ama ng siyam na anak.—1Cr 8:19-21.
4. Isa sa anim na tumayo sa kanan ni Ezra nang basahin nito ang Kautusan sa nagkakatipong bayan; malamang na isang saserdote.—Ne 8:4.
5. Isang lunsod sa loob ng timugang teritoryo ng Juda (Jos 15:21, 26), marahil ay ang mismong nakapaloob na lunsod ng Sheba na pag-aari ng Simeon. (Jos 19:1, 2) Iminumungkahi ng ilan na ito rin ang Jesua at iniuugnay ito sa Tell es-Saʽweh (Tel Yeshuʽa), na mga 15 km (9.5 mi) sa SHS ng Beer-sheba.