Semer
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magbantay”].
1. Isang inapo ni Aser, marahil ay kaniyang apo sa tuhod. Apat na anak ni Semer ang binanggit. (1Cr 7:30, 34) Ang Semer ay binabaybay na Somer sa 1 Cronica 7:32.
2. Isang Meraritang Levita, ninuno ni Etan.—1Cr 6:44-47.
3. Ang may-ari ng burol ng Samaria; posibleng isang tribo sa halip na isang indibiduwal, sapagkat ang “Samaria” ay nangangahulugang “Pag-aari ng 1Ha 16:23, 24.
Liping Semer.” Binili ng Israelitang si Haring Omri ang bundok sa halagang dalawang talento na pilak ($13,212) at nagsimula siyang mamahala mula roon noong mga 945 B.C.E.—