Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Seminit

Seminit

Bagaman ang literal na kahulugan ng terminong pangmusika na ito ay “ang ikawalo,” hindi tiyak ang eksaktong kahulugan nito. Maaaring tumutukoy ito sa isang partikular na tono, o mode, isa na mas mababa, at kapag may anumang panugtog na iniuugnay sa terminong ito, malamang na ang mga iyon ay yaong tinutugtog para sa mga nota ng baho sa iskala ng musika.

Sa 1 Cronica 15:21, tinutukoy ang mga alpa bilang “nakatono sa Seminit [“posibleng tumutukoy sa ikawalong tono o sa mababang oktaba,” tlb sa Rbi8; “malamang na oktaba ng baho,” Da tlb z].” Ang mga superskripsiyon ng Awit 6 at 12 (kapuwa may mapanglaw na katangian ang mga awit na ito) ay kababasahan: “Sa tagapangasiwa (ng mga panugtog na de-kuwerdas) sa mababang oktaba [shemi·nithʹ],” na maaaring nagpapahiwatig na ang mga awit na ito ay sinasaliwan ng musika sa mas mababang tono at inaawit nang gayundin.​—Tingnan ang ALAMOT.