Senaa
Mahigit sa 3,000 “anak ni Senaa” ang bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 35; Ne 7:38) Maaaring ang Senaa ay kapareho rin ng Hasenaa, isang pangalan na may Hebreong pamanggit na pantukoy na ha(s).—Ne 3:3.
Lumilitaw na marami sa mga pangalang nasa mga talaan ng Ezra 2 at Nehemias 7 ay mga pangalan ng mga lugar sa halip na mga tao, at sa gayon ay ipinapalagay ng ilan na ang Senaa ay isang lugar na bahagyang nasa H ng Jerico, kung saan binanggit nina Eusebius at Jerome na may isang tore ng “Magdalsenna.” (Onomasticon, 154, 16, 17) Walang-katiyakang iniuugnay ito sa Khirbet al Beiyudat (Horvat ʼel-Beidat), mga 11 km (7 mi) sa HHS ng Jerico.