Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sene

Sene

“Isang malaking bato na tulad-ngipin.” Nakaharap ito sa Geba at nasa dakong T ng isa pang malaking bato na tinatawag na Bozez. Ang malalaking batong ito ay nasa pagitan ng mga bayan ng Micmash at Geba at binanggit sa ulat ng pagsalakay ni Jonatan sa mga Filisteo. (1Sa 14:4, 5, 13) Sa ngayon ay walang maitakdang tiyak na lokasyon para sa malalaking batong ito, ngunit karaniwang itinuturing na ang mga ito’y bahagi ng napakatatarik na dalisdis sa kahabaan ng Wadi Suweinit (Nahal Mikhmas), na bumabagtas sa pagitan ng Micmash at Geba.​—Tingnan ang BOZEZ.