Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Separ

Separ

Isang hangganan ng teritoryong tinahanan ng mga inapo ni Joktan. Sinasabi ng Bibliya: “At ang dakong tinatahanan nila ay umabot mula sa Mesa hanggang sa Separ, na bulubunduking pook ng Silangan.” (Gen 10:29, 30) Ang isang iminumungkahing lokasyon nito ay ang Zafar (dating kabisera ng mga Himyaritang hari) sa Yemen, mga 160 km (100 mi) sa HS ng timugang dulo ng Dagat na Pula. Ang isa pa ay isang baybaying lunsod na nasa Mahra, sa Dagat ng Arabia. Gayunman, hindi pa rin matiyak kung saan ang eksaktong lokasyon ng sinaunang Separ.