Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Separad

Separad

Mula sa lugar na ito’y nakatakdang bumalik ang mga tapon ng Jerusalem. (Ob 20) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Gayunman, sa mga lugar na iminumungkahi para rito, ang pinakaposibleng lokasyon nito ay ang Saparda, na binanggit sa ilang ulat ng kasaysayan ng Asirya bilang isang teritoryo ng Media. May pagkakataong ipinatapon ng mga Asiryano ang taong-bayan ng hilagang kaharian ng Israel sa “mga lunsod ng mga Medo.”​—2Ha 17:5, 6.