Separvaim
Mula sa lunsod na ito ay nagdala ang hari ng Asirya ng mga taong patitirahin sa Samaria pagkatapos na dalhin sa pagkatapon ang mga Israelita. (2Ha 17:24) Mas maaga rito, lumilitaw na ang Separvaim at ang hari nito ay natalo sa mga kamay ng mga Asiryano. (2Ha 19:13; Isa 37:13) Yamang binanggit kasama ng mga lugar sa Sirya at Babilonia, marahil ang Separvaim ay nasa isa sa mga lugar na ito.