Serbesa
Isang inumin na di-gaanong mataas ang alkohol at gawa mula sa unti-unting pinakasim na trigo o ibang mga butil. Ang salitang Hebreo na soʹveʼ, isinalin bilang “serbesang trigo,” ay maaari ring isalin bilang “alak.”—Isa 1:22, tlb sa Rbi8; Os 4:18, tlb sa Rbi8; Na 1:10, tlb sa Rbi8.
Ipinakikita ng mga tapyas na cuneiform na noon pa mang ikatlong milenyo B.C.E., isa nang sining sa sinaunang Mesopotamia ang paggawa ng serbesa mula sa mga butil. Noong unang dumating si Abraham sa Ehipto, malamang na nasumpungan niyang pangkaraniwan nang inumin doon ang serbesa. Nang maglaon, sinasabing itinuring ni Ramses III na lubhang kanais-nais ang serbesa, kaya naman taun-taon ay naghahandog siya ng mga 114,000 L (30,000 gal) ng serbesa sa kaniyang mga diyos. Maraming panserbesang mug ng mga Filisteo na may mga panala sa pinakabibig ng mga iyon ang natuklasan. ALAK AT MATAPANG NA INUMIN.
Waring ang mga bansang ito ay may iba’t ibang klase ng serbesa para sa bawat panlasa, gaya ng serbesang matamis, serbesang maitim, mabangong serbesa, serbesang bumubula, at serbesang may espesya. Ang mga iyon ay maaaring iniinom nang mainit o malamig, maaaring malabnaw o malapot at parang sirup.—Tingnan ang