Set
[Inilaan; Inilagay; Itinalaga].
Ang anak nina Adan at Eva na isinilang nang si Adan ay 130 taóng gulang. Pinanganlan siya ni Eva na Set sapagkat ang sabi niya, “Ang Diyos ay naglaan sa akin ng isa pang binhi bilang kahalili ni Abel, sapagkat pinatay siya ni Cain.” Maaaring hindi si Set ang ikatlong anak nina Adan at Eva. Ayon sa Genesis 5:4, si Adan ay nagkaanak ng “mga lalaki at mga babae,” na ang ilan ay maaaring naunang ipinanganak kay Set. Si Set ay dapat bigyang-pansin sapagkat si Noe, na pinanggalingan ng kasalukuyang lahi ng sangkatauhan, ay nagmula sa kaniya, at hindi sa mamamaslang na si Cain. Sa edad na 105 taon ay naging anak ni Set si Enos. Namatay si Set sa edad na 912 taon (3896-2984 B.C.E.).—Gen 4:17, 25, 26; 5:3-8; 1Cr 1:1-4; Luc 3:38.