Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Seva

Seva

1. [mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “pantayin; patagin”]. Ama nina Macbena at Gibea. Gayunman, yamang posible na ang mga ito ay mga pangalan ng mga bayan, marahil si Seva ang ama niyaong mga namayan doon o ang mismong tagapagtatag ng mga bayang ito. Ang ama ni Seva na si Caleb (Kelubai) ang ulo ng isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga inapo ni Juda sa pamamagitan ni Hezron.​—1Cr 2:9, 48-50.

2. Ang kalihim ni David.​—2Sa 20:25; tingnan ang SERAIAS Blg. 2.