Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Shela

Shela

1. [sa Heb., Sheʹlach, posible, Suligi]. Anak ni Arpacsad at apo ni Sem, ipinanganak noong 2333 B.C.E. at namatay noong 1900 B.C.E., sa edad na 433. Si Shela at ang isa sa kaniyang mga anak, si Eber, ay pinagmulan ng tig-isa sa 70 pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha; kay Eber dumaan ang linya ng angkan na umakay mula kay Sem patungo kay Abraham at sa wakas ay kay Jesus.​—Gen 10:22, 24; 11:12-15; 1Cr 1:18, 24; Luc 3:35.

2. [sa Heb., She·lahʹ, posible, Pakiusap]. Ang ikatlong anak ni Juda sa kaniyang asawang Canaanita. (1Cr 2:3) Si Tamar ay dapat sanang ibinigay kay Shela sa pag-aasawa sa bayaw ngunit hindi siya ibinigay. (Gen 38:1-5, 11-14, 26) Ang mga inapo ni Shela, na ang ilan sa mga ito ay nakatala ang pangalan kasama ang kanilang mga lugar na pinamayanan, ang bumuo sa pantribong pamilya ng mga Shelanita. Ang ilan sa mga ito ay bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya.​—Bil 26:20; 1Cr 4:21-23; 9:5; Ne 11:5.