Sheol
Ang karaniwang libingan ng sangkatauhan, sanlibingan; hindi isang indibiduwal na dakong libingan o libingan (sa Heb., qeʹver, Huk 16:31; qevu·rahʹ, Gen 35:20), ni isang indibiduwal na puntod (sa Heb., ga·dhishʹ, Job 21:32).
Bagaman marami ang iminumungkahing pinagmulan ng salitang Hebreo na sheʼohlʹ, lumilitaw na halaw ito sa pandiwang Hebreo na sha·ʼalʹ, na nangangahulugang “humingi; humiling.” Sa A Compendious Hebrew, sinabi ni Samuel Pike na ang Sheol ay “ang karaniwang pinaglalagyan o dako ng
mga patay; tinawag ito nang ganito dahil sa kawalang-kasiyahan ng libingan, na para bang lagi itong humihingi o naghahangad ng higit pa.”—Cambridge, 1811, p. 148.Ang salitang Hebreo na sheʼohlʹ ay lumilitaw nang 65 ulit sa tekstong Masoretiko. Sa King James Version, isinalin ito nang 31 ulit bilang “impiyerno,” 31 ulit bilang “libingan,” at 3 ulit bilang “hukay.” Isinalin ng Katolikong Douay Version ang salitang ito nang 63 ulit bilang “impiyerno,” isang beses bilang “hukay,” at isang beses bilang “kamatayan.” Karagdagan pa, sa Isaias 7:11, ang tekstong Hebreo ay orihinal na kababasahan ng sheʼohlʹ, at isinalin ito bilang “Hades” sa sinaunang mga bersiyong Griego nina Aquila, Symmachus, at Theodotion, at bilang “impiyerno” sa Douay Version.—Tingnan ang tlb sa Rbi8.
Walang salitang Tagalog na makapagtatawid ng eksaktong diwa ng salitang Hebreo na sheʼohlʹ. Tungkol sa paggamit ng salitang “impiyerno” sa pagsasalin ng Bibliya, ganito ang sabi ng Collier’s Encyclopedia (1986, Tomo 12, p. 28): “Yamang ang Sheol noong panahon ng Matandang Tipan ay tumutukoy lamang sa himlayan ng mga patay anuman ang naging moralidad nila, ang salitang ‘impiyerno,’ ayon sa pagkaunawa ngayon, ay hindi isang angkop na salin.” Sa ilang mas bagong bersiyon sa Ingles, ang salitang ito ay tinumbasan ng transliterasyon na “Sheol.”—RS, AT, NW.
May kinalaman sa Sheol, ganito ang komento ng Encyclopædia Britannica (1971, Tomo 11, p. 276): “Ang Sheol ay nasa isang dako sa ‘ilalim’ ng lupa. . . . Ang kalagayan ng mga patay ay walang kirot ni kaluguran. Hindi iniuugnay sa Sheol ang gantimpala sa matuwid ni ang kaparusahan para sa balakyot. Kapuwa ang mabuti at ang masama, mga maniniil at mga santo, mga hari at mga ulila, mga Israelita at mga gentil—lahat ay sama-samang natutulog nang walang kamalayan sa isa’t isa.”
Bagaman ang turong Griego hinggil sa imortalidad ng kaluluwa ng tao ay nakapasok sa paniniwala ng mga Judio nang maglaon, ipinakikita ng ulat ng Bibliya na ang Sheol ay tumutukoy sa karaniwang libingan ng sangkatauhan at isang dako na doo’y walang malay, o kabatiran, ang isa. (Ec 9:4-6, 10) Yaong mga nasa Sheol ay hindi pumupuri sa Diyos ni bumabanggit man sa kaniya. (Aw 6:4, 5; Isa 38:17-19) Gayunman, hindi masasabing ang Sheol ay kumakatawan lamang sa ‘isang kalagayan ng pagiging hiwalay sa Diyos,’ yamang ipinakikita ng Kasulatan na ang Sheol ay “nasa harap” niya, at sa diwa, ang Diyos ay ‘naroon.’ (Kaw 15:11; Aw 139:7, 8; Am 9:1, 2) Kaya naman, si Job, palibhasa’y naghahangad ng ginhawa mula sa kaniyang pagdurusa, ay nanalangin na mapunta sana siya sa Sheol at sa kalaunan ay alalahanin siya ni Jehova at tawagin mula sa Sheol.—Job 14:12-15.
Sa buong kinasihang Kasulatan, ang Sheol ay laging iniuugnay sa kamatayan, hindi sa buhay. (1Sa 2:6; 2Sa 22:6; Aw 18:4, 5; 49:7-10, 14, 15; 88:2-6; 89:48; Isa 28:15-18; ihambing din ang Aw 116:3, 7-10 sa 2Co 4:13, 14.) Tinutukoy ito bilang ang “lupain ng kadiliman” (Job 10:21) at isang dako ng katahimikan. (Aw 115:17) Lumilitaw na si Abel ang kauna-unahang nagtungo sa Sheol, at mula noon, milyun-milyong taong namatay ang nakasama niya sa alabok ng lupa.
Noong araw ng Pentecostes 33 C.E., sumipi ang apostol na si Pedro mula sa Awit 16:10 at ikinapit iyon kay Kristo Jesus. Nang sipiin naman ni Lucas ang mga salita ni Pedro, ginamit niya ang salitang Griego na haiʹdes, sa gayo’y ipinakikita nito na ang Sheol at Hades ay tumutukoy sa iisang bagay, ang karaniwang libingan ng sangkatauhan. (Gaw 2:25-27, 29-32) Sa loob ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Jesu-Kristo, ang Sheol, o Hades, ay aalisan ng laman at papawiin sa pamamagitan ng pagbuhay-muli sa lahat ng naroroon.—Apo 20:13, 14; tingnan ang HADES; IMPIYERNO; LIBINGAN.
Si Jonas at ang Sheol. Sa ulat hinggil kay Jonas, sinasabing “nanalangin si Jonas kay Jehova na kaniyang Diyos mula sa mga panloob na bahagi ng isda at nagsabi: ‘Dahil sa aking kabagabagan ay tumawag ako kay Jehova, at sumagot siya sa akin. Mula sa tiyan ng Sheol ay humingi ako ng tulong. Narinig mo ang aking tinig.’” (Jon 2:1, 2) Kung gayon, inihambing ni Jonas sa Sheol ang loob ng tiyan ng isda. Para na rin siyang patay noon sa loob ng isda, ngunit iniahon ni Jehova ang kaniyang buhay mula sa hukay, o Sheol, nang ingatan Niya siyang buháy at ipaluwa siya sa isda.—Jon 2:6; ihambing ang Aw 30:3.
Inihalintulad ni Jesus ang mangyayari sa kaniya sa naging kalagayan ni Jonas sa loob ng tiyan ng isda, sa pagsasabing: “Kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng pagkalaki-laking isda nang tatlong araw at tatlong gabi, gayundin ang Anak ng tao ay mapapasapuso ng lupa nang tatlong araw at tatlong gabi.” (Mat 12:40) Bagaman hindi ginamit dito ni Jesus ang salitang “Sheol” (Hades), ginamit naman ng apostol na si Pedro ang salitang “Hades” nang tukuyin niya ang kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus.—Gaw 2:27.
May kinalaman sa salitang “Sheol,” ganito ang sabi nina Brynmor F. Price at Eugene A. Nida: “Ang salitang ito ay madalas lumitaw sa Mga Awit at sa aklat ng Job upang tumukoy sa isang dakong patutunguhan ng lahat ng taong namatay. Inilalarawan ito bilang isang madilim na dako, kung saan walang gawaing angkop sa pangalan nito. Doon ay Jonas 2:2] ang pagkakagamit sa partikular na paglalarawang ito dahil nakulong si Jonas sa loob ng isda.”—A Translators Handbook on the Book of Jonah, 1978, p. 37.
walang pag-uuri-uri ayon sa moralidad, kaya ang ‘impiyerno’ (KJV) ay hindi angkop na salin, yamang nagpapahiwatig ito na may ‘langit,’ na tirahang dako naman ng mga matuwid pagkamatay nila. Masasabing ‘ang libingan’ sa panlahatang diwa ay isang malapit na katumbas, ngunit ang Sheol ay mas tumutukoy sa pangmaramihang libingan kung saan ang lahat ng patay ay sama-samang nakahimlay. . . . Maaaring itinuring na angkop dito [sa