Sibma
Isang bayan sa S ng Jordan. Kinuha ito ng Israel mula sa Amoritang si Haring Sihon at iniatas sa mga Rubenita na nagkainteres dito dahil sa nakapalibot na mga pastulan. Lumilitaw na tinawag din itong Sebam. (Bil 32:2-5, 37, 38; Jos 13:15, 19, 21) Dati itong isang lunsod ng mga Moabita (ihambing ang Bil 21:25, 26) at naibalik ito sa kanila sa isang di-isiniwalat na panahon. Kilalá ito noon dahil sa mga ubasan at mga bungang pantag-araw nito. (Isa 16:8, 9, 13, 14; Jer 48:32, 46, 47) Hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon ng Sibma (Sebam), bagaman binabanggit ito kasama ng Hesbon at Nebo (Bil 32:3), at ang komentaryo ni Jerome sa Isaias 16:8 ay nagsasabing ito’y mga 500 hakbang lamang mula sa Hesbon. Gayunman, ipinapalagay ng ilan na ito ay ang Qurn el-Kibsh, na mga 5 km (3 mi) sa KTK ng Hesbon (makabagong Hisban).