Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sihor-libnat

Sihor-libnat

Naniniwala sina Eusebius at Jerome na ang Sihor-libnat noong una ay pangalan ng dalawang lugar, ang Sihor at ang Labanath. Gayunman, lumilitaw na ito’y isang ilog sa hangganan ng Aser. (Jos 19:24-26) Iniuugnay ng ilang heograpo ang Sihor-libnat sa Nahr ez-Zerqa (Nahal Tanninim), na umaagos patungo sa Dagat Mediteraneo mga 10 km (6 na mi) sa T ng Dor.