Silem
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “makipagpayapaan; magbayad; gumanti”].
Huling binanggit sa apat na anak ni Neptali na nakatalang kabilang sa “mga pangalan ng mga anak ni Israel na pumaroon sa Ehipto.” (Gen 46:8, 24) Siya ang pinagmulan ng pantribong pamilya ng mga Silemita. (Bil 26:49, 50) Sa 1 Cronica 7:13 ang kaniyang pangalan ay binabaybay na Salum sa tekstong Masoretiko, bagaman Silem ang matatagpuan sa pitong manuskritong Hebreo.