Silhim
Isang lunsod sa timugang bahagi ng Juda. (Jos 15:21, 32) Waring ito rin ang Saruhen, na nakatalang kabilang sa mga lunsod sa teritoryo ng Juda na pag-aari ng Simeon. (Jos 19:1, 6) Lumilitaw na sa talaan sa 1 Cronica 4:31, tinatawag ding Saaraim ang lunsod na ito. Ipinapalagay na ito ay ang Tell el-Farʽah (Tel Sharuhen), na mga 35 km (22 mi) sa K ng Beer-sheba.