Simei
[posibleng pinaikling anyo ng Semaias, nangangahulugang “Narinig (Pinakinggan) ni Jehova”].
1. Ikalawang binanggit na anak ni Gerson (Gersom); apo ni Levi. (Exo 6:16, 17; Bil 3:17, 18; 1Cr 6:16, 17) May ilang Simeitang pamilya ng mga Levita na nagmula sa kaniya.—Bil 3:21-26; 1Cr 23:7, 10, 11; Zac 12:13.
2. Isang Rubenita na ang inapong si Beerah, isang pinuno, ay dinala sa pagkatapon ng Asiryanong si Haring Tilgat-pilneser (Tiglat-pileser III).—1Cr 5:1, 4-6.
3. Isang Meraritang Levita.—1Cr 6:29.
4. Isang Gersonitang Levita; ninuno ni Asap.—1Cr 6:39, 42.
5. Isang Benjamita na ang siyam na anak (o mga inapo) ay mga ulo ng mga sambahayan ng mga ninuno na naninirahan sa Jerusalem. (1Cr 8:1, 19-21, 28) Lumilitaw na tinatawag siyang Sema sa 1 Cronica 8:13, na doon ay ipinakikilala siya bilang isang ulo ng pamilya sa Aijalon.
6. Isang Simeonita, na anak ni Zacur; nagkaroon siya ng 16 na anak na lalaki at 6 na anak na babae.—1Cr 4:24-27.
7. Isa sa mga kapatid ni David.—2Sa 21:21; tingnan ang SHAMAH Blg. 2.
8. Isang inapo ni Gerson sa pamamagitan ni Ladan. Noong panahon ng paghahari ni David, ang tatlong anak (o mga inapo) ni Simei ay mga ulo ng mga Levitang pamilya.—9. Ulo ng ikasampung pangkat ng mga Levitang manunugtog; anak ni Jedutun.—1Cr 25:1, 3, 17.
10. Tagapag-alaga ng mga ubasan ni David; isang Ramatita.—1Cr 27:27.
11. Isang matapat na tagasuporta ni Haring David na tumangging sumali sa pakikipagsabuwatan ni Adonias. (1Ha 1:8) Ipinapalagay na siya rin ang Simei na inatasan bilang kinatawan sa pagkain ni Haring Solomon sa teritoryo ng Benjamin; anak ni Ela.—1Ha 4:7, 18.
12. Isang Benjamita na mula sa nayon ng Bahurim. Si Simei, na anak ni Gera, mula sa isang pamilya sa sambahayan ni Haring Saul, ay nagkimkim ng sama ng loob laban kay David sa loob ng maraming taon pagkamatay ni Saul at matapos alisin ang pagkahari mula sa sambahayan nito. Nakasumpong si Simei ng pagkakataon upang ilabas ang kaniyang matagal nang kinukuyom na poot nang si David at ang pangkat nito ay tumakas mula sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom. Bahagya lamang sa gawing S ng Bundok ng mga Olibo, naglakad si Simei na kaalinsabay nila habang hinahagisan niya sila ng mga bato at sinasabuyan sila ng alabok at isinusumpa si David. Humingi si Abisai kay David ng pahintulot na patayin si Simei, ngunit tumanggi si David, anupat umaasa na marahil ay pangyayarihin ni Jehova na ang sumpa ni Simei ay maging pagpapala.—2Sa 16:5-13.
Sa pagbabalik ni David, nang mabaligtad naman ang pangyayari, si Simei at isang libong iba pang mga Benjamita ang unang sumalubong sa kaniya, anupat yumukod si Simei sa harap niya at nagpahayag ng pagsisisi sa mga kasalanan nito. Muling ninais ni Abisai na patayin si Simei, ngunit muli ay hindi pumayag si David, anupat sa pagkakataong ito ay sumumpang hindi niya ito papatayin. (2Sa 19:15-23) Gayunman, bago mamatay si David, sinabihan niya si Solomon na ‘ibabang may dugo sa Sheol ang mga uban’ ni Simei.—1Ha 2:8, 9.
Sa pasimula ng kaniyang paghahari, tinawag ni Solomon si Simei at inutusan itong lumipat sa Jerusalem at huwag umalis sa lunsod; kung aalis siya sa lunsod, siya ay papatayin. Sumang-ayon si Simei sa mga kundisyong ito, ngunit pagkaraan ng tatlong taon ay umalis siya sa lunsod upang bawiin ang dalawa sa kaniyang mga alipin na tumakas patungo sa Gat. Nang malaman ang paglabag na ito, tinawag ni Solomon si Simei upang pagsulitin dahil sa pagsira nito sa kaniyang sumpa kay Jehova at inutusan si Benaias na patayin ito.—1Ha 2:36-46.
13. Isang Levitang inapo ni Heman na nagpabanal ng kaniyang sarili at tumulong sa pagtatapon ng maruruming bagay na inalis mula sa templo sa pasimula ng paghahari ni Hezekias. (2Cr 29:12, 14-16) Malamang na siya rin ang Blg. 14.
14. Ang Levitang ikalawa sa pangangasiwa sa pag-iimbak ng bukas-palad na mga abuloy at mga ikapu na dinadala sa templo noong panahon ng paghahari ni Hezekias. (2Cr 31:11-13) Malamang na siya rin ang Blg. 13.
15. Ninuno ni Mardokeo; tribo ni Benjamin.—Es 2:5.
16. Kapatid ni Gobernador Zerubabel; inapo ni David sa tribo ni Juda.—1Cr 3:19.
17. Isa sa mga Levita na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak nang sawatain sila ni Ezra dahil sa pakikipag-alyansa ukol sa pag-aasawa sa mga banyaga.—Ezr 10:10, 11, 23, 44.
18, 19. Dalawang Israelita, ang isa ay anak ni Hasum at ang isa ay anak ni Binui, mga nagpaalis din sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak.—Ezr 10:33, 38, 44.