Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Simri

Simri

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magbantay”].

1. Simeonitang ninuno ng isa sa mga pinuno na nagpalawak ng teritoryo ng tribo noong mga araw ni Hezekias.​—1Cr 4:24, 37-41.

2. Ama ng makapangyarihang lalaki ni David na si Jediael at malamang na ama rin ni “Joha na kaniyang kapatid na Tizita.”​—1Cr 11:26, 45.

3. Isang Meraritang anak ni Hosa na kabilang sa mga Levitang bantay ng pintuang-daan na pinili sa pamamagitan ng palabunutan para sa atas sa K ng santuwaryo. Bagaman hindi si Simri ang panganay ni Hosa, inatasan siya ng kaniyang ama na maging ulo ng sambahayan sa panig ng ama.​—1Cr 26:10, 12, 13, 16.

4. Isa sa mga Levita na tumulong sa pagtatapon ng maruruming bagay na inalis ni Hezekias sa templo; inapo ni Elisapan.​—2Cr 29:12-16.