Simron
1. [Tinikang-palumpong]. Anak ni Isacar. (Gen 46:13; 1Cr 7:1) Kasama siya sa “mga anak ni Israel na pumaroon sa Ehipto.” Ang kaniyang mga inapo, ang mga Simronita, ay isa sa mga pamilya ng Isacar.—Gen 46:8; Bil 26:23, 24.
2. [Mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magbantay”]. Isang bayan na ang hari ay sumama sa kompederasyon ng mga Canaanita sa hilaga at natalo ni Josue sa tubig ng Merom. (Jos 11:1, 5, 8; 12:20; tingnan ang SIMRON-MERON.) Ang Simron ay kasama sa takdang bahagi ng tribo ni Zebulon. (Jos 19:10, 15) Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Sammuniyeh (Tel Shimron), na mga 8 km (5 mi) sa K ng Nazaret.