Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Simron-meron

Simron-meron

Isang bayan. Ito ang nasasakupan ng isang haring natalo ni Josue. (Jos 12:7, 8, 20) Ito marahil ang buong pangalan ng bayan ng Simron, o posibleng pagtukoy ito sa pagkatalo ng hari ng Simron sa tubig ng Merom. (Jos 11:1, 5, 7, 8) Sa ilang manuskrito, pinaghihiwalay ang mga pangalang ito bilang dalawang bayan, Simron at Meron, ngunit walang tinutukoy na lugar ng Meron sa ibang mga talata.