Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Simsai

Simsai

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “araw”].

Isang eskriba sa administrasyon ni Rehum, ang punong opisyal ng pamahalaan ng Persianong probinsiya “sa kabilang ibayo ng Ilog” na saklaw pati ang Jerusalem. Nakisama si Simsai sa pagsulat ng liham sa Persianong tagapamahala na si Artajerjes sa pagsisikap na pahintuin ang mga Judio mula sa kanilang gawaing muling pagtatayo sa Jerusalem. Naglabas si Artajerjes ng utos upang pahintuin ang gawain, na ipinagpatuloy naman noong panahon ng paghahari ng kahalili nito, si Haring Dario Hystaspis (Dario I ng Persia).​—Ezr 4:8-24.