Sintique
[May Kapalaran (Tagumpay)].
Isang babaing Kristiyano sa Filipos na pinapurihan ni Pablo dahil sa katapatan nito at pinayuhan niya na “magkaroon ng magkatulad na kaisipan sa Panginoon” kasama ng isang Kristiyanong kapatid na babae na nagngangalang Euodias. (Fil 4:2, 3) Lumilitaw na nagbigay ng ganitong payo ang apostol dahil sa isang di-pagkakasundo sa pagitan ng dalawang ito, isang konklusyon na sinusuhayan ng ilang makabagong mga salin.—AB, JB, NE, Ph, TEV.