Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Siracusa

Siracusa

Isang lunsod na may mainam na daungan, nasa TS baybayin ng pulo ng Sicilia, sa ngayon ay tinatawag na Siracusa (sa Italyano). Ayon kay Thucydides, isang kolonyang Griego ang itinatag sa Siracusa noong ikawalong siglo B.C.E.

Ang apostol na si Pablo ay namalagi sa Siracusa nang tatlong araw sa pagtatapos ng kaniyang paglalakbay patungong Roma, noong mga 59 C.E. Maaaring kinailangan ang pagtigil doon dahil ang barko ay kinailangang maghintay ng angkop na hangin para sa paglalayag. (Gaw 28:12) Mula sa Siracusa, ang barkong sinasakyan ni Pablo ay “lumigid” at dumating sa Regio, sa timugang dulo ng Italya. Hindi alam kung ano ang eksaktong kahulugan ng pananalitang ito. Posibleng naglayag ang sasakyang-dagat sa isang tila pakurbang ruta, malayo sa baybayin, upang magkaroon ito ng sapat na hangin na hihihip sa mga layag nito. O kaya, marahil ito ay “tumahak sa isang sirkito​—namaybay​—” upang makarating sa Regio.​—Gaw 28:13AB.