Sirion
Matandang pangalang Sidonio para sa Bundok Hermon, na tinawag namang Senir ng mga Amorita. (Deu 3:9) Ang pangalang Sirion ay lumilitaw sa mga tekstong Ugaritiko na natagpuan sa Ras Shamra sa baybayin ng hilagang Sirya, anupat pinatutunayan nito ang pagiging tumpak ng Bibliya. Tulad ng Senir, marahil ang Sirion ay tumutukoy rin sa isang partikular na bahagi ng Bundok Hermon. (Ihambing ang 1Cr 5:23.) Sa Awit 29:6 ang Sirion at Lebanon ay magkasamang binanggit. Dahil dito, iminumungkahi na marahil ang Sirion ay tumutukoy sa Kabundukan ng Anti-Lebanon.—Tingnan ang HERMON.