Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sirte

Sirte

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kaladkarin”].

Ang pangalang Griego ng dalawang gulpo na saklaw ng malaking papaloob na bahagi sa baybayin ng hilagang Aprika. Ang kanluraning gulpo (sa pagitan ng Tunis at ng Tripoli) ay tinawag na Sirte Minor (sa ngayon ay Gulpo ng Gabès). Bahagya lamang sa dakong S ay naroon ang Sirte Mayor, ang makabagong Gulpo ng Sidra. Takót ang mga sinaunang magdaragat sa dalawang gulpong ito dahil sa kanilang mapanganib na mga bahura ng buhangin, na palaging pabagu-bago ng kinaroroonan dahil sa pagtaas at pagkati ng tubig. May kinalaman sa mga sasakyang-dagat na napasadsad sa mga buhanginang ito, si Strabo, isang heograpo noong unang siglo C.E., ay nag-ulat, “Bihirang mangyari na ang isang barko ay makaalis dito nang ligtas.”​—Geography, 17, III, 20.

Nang dinadala sa Roma ang apostol na si Pablo bilang isang bilanggo, ang barkong sinasakyan niya ay pinanaigan ng isang unos na pahilagang-silangan sa T ng Creta. Dahil dito, natakot ang mga tripulante nito na baka sumadsad ang barko sa “Sirte,” maliwanag na ang mga kumunoy o mga bahura ng buhangin ng Gulpo ng Sidra.​—Gaw 27:14-17.