Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

So

So

Isang Ehipsiyong hari na kapanahon ni Hosea, ang huling hari ng sampung-tribong kaharian ng Israel. Nang makipagsabuwatan si Hosea kay So laban kay Salmaneser V at huminto sa pagbabayad ng tributo sa Asirya, si Hosea ay ibinilanggo. (2Ha 17:3, 4) Ang mga pagtatangkang iugnay si So sa mga tagapamahalang Ehipsiyo na kilala sa sekular na kasaysayan ng mga panahong iyon (gaya ni Osorkon IV o ni Shabaka) ay napakahirap matiyak, lalo na dahil sa kawalang-katiyakan ng kronolohiya ng Ehipto.​—Tingnan ang KRONOLOHIYA.