Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Soco(h)

Soco(h)

[posible, Sanga [ng isang Punungkahoy]].

1. Isang Judeanong lunsod sa Sepela. Waring ito’y tinukoy kapuwa bilang Soco at Socoh. (Jos 15:20, 33, 35) Tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo sa Socoh at pagkatapos ay nagkampo sila sa karatig na Epes-damim bago ang pakikipagsagupa ni Goliat kay David. (1Sa 17:1) Pagkaraan ng maraming taon, lumilitaw na ang Soco na ito’y kabilang sa mga lunsod na pinatibay ni Rehoboam. (2Cr 11:5-7; ngunit, ang tekstong ito ay maaaring kumakapit sa Blg. 2.) Gayunpaman, ang Soco, kasama ng mga sakop na bayan nito, ay nabihag ng mga Filisteo pagkaraan ng mahigit na 200 taon, noong panahon ng pamamahala ni Haring Ahaz. (2Cr 28:16-18) Ipinapalagay na ang lokasyon nito ay ang mga guho sa Khirbet ʽAbbad (Horvat Sokho), sa Mababang Kapatagan ng Elah mga 4 na km (2.5 mi) sa STS ng Azeka, bagaman waring napanatili sa Khirbet Shuweikeh, di-kalayuan sa dakong S, ang Biblikal na pangalan nito.

2. Ang Socoh, isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:20, 48) Kadalasang ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Shuweikeh, na mga 17 km (11 mi) sa TK ng Hebron. Ito’y ibang Khirbet Shuweikeh at hindi ang binanggit sa Blg. 1.

3. Ang Socoh, isang lugar na nasa ilalim ng pangangasiwa ng isa sa mga kinatawan ni Solomon. (1Ha 4:7, 10) Ang iminungkahing pag-uugnay nito sa Khirbet Shuweiket er-Ras, na mga 15 km (9.5 mi) sa KHK ng Samaria, ay waring tumutugma sa ulat, yamang ang iminumungkahing mga lugar ng Arubot at Heper (na binanggit kasama ng Socoh sa ulat ng Mga Hari) ay kalapit lamang nito.

4. Sa talaangkanan ng Juda, si Heber ay tinawag na “ama ni Soco.” (1Cr 4:18) Maaaring ang Soco ay personal na pangalan ng inapo ni Heber, o maaaring ipinahihiwatig ng teksto na si Heber ang nagtatag ng lunsod ng Soco o ng populasyon nito. Kung ipapalagay na ang huling nabanggit ang naging situwasyon, hindi posibleng matiyak kung ang tinutukoy ay ang Soco(h) Blg. 1 o Blg. 2.