Somer
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magbantay”].
1. Isang inapo ni Aser na ang apat na anak ay mga pinuno at mga ulo ng pamilya. Ang kaniyang pangalan ay binabaybay rin na Semer.—1Cr 7:30, 32, 34, 40.
2. Si Jehozabad, isa sa mga pumaslang kay Haring Jehoas ng Juda, ay ipinakikilala bilang anak kapuwa ni Somer at ni “Simrit na babaing Moabita.” (2Ha 12:21; 2Cr 24:26) Ang Somer ay isang salitang panlalaki sa Hebreo; ang Simrit ay pambabae. Ipinapalagay ng ilan na si Somer ang ama ni Jehozabad at si Simrit ang kaniyang ina. Ngunit maaaring si Somer ay ama ni Simrit. Kung gayon nga, si Jehozabad ay apo ni Somer, yamang ang terminong “anak” ay kadalasang nangangahulugang inapo.