Suham, Mga Suhamita
[Ni (Kay) Suham].
Ang kaisa-isang anak ni Dan na binanggit sa Bibliya. Siya ang ninuno ng mga Suhamita, na ang tanging pantribong pamilya na nakatala para kay Dan at may bilang na 64,400 sa pagtatapos ng 40-taóng pagpapagala-gala sa ilang. (Bil 26:42, 43) Tinatawag siyang Husim sa Genesis 46:23.