Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sunem

Sunem

Isang lunsod sa teritoryo ng Isacar. (Jos 19:17, 18) Malapit ito sa Jezreel at Bundok Gilboa. (1Sa 28:4) Ipinapalagay na ang Sunem ay ang makabagong Sulam (Sunem), na nasa TK dalisdis ng Jebel Dahi (Givʽat Ha-More) at mula rito’y matatanaw ang Libis ng Jezreel. Ang lugar na ito’y mga 5 km (3 mi) sa H ng tiwangwang na nayon ng Zerʽin (Tel Yizreʽel) at mga 8 km (5 mi) sa H ng kanluraning dulo ng Bundok Gilboa.

Sa Sunem nagkampo ang mga Filisteo bago naganap ang pagbabaka na naging dahilan ng pagkamatay ni Haring Saul. (1Sa 28:4) Taga-Sunem ang magandang si Abisag (“na Sunamita”) na nag-alaga sa matanda nang si Haring David. (1Ha 1:3, 4) Nang maglaon, ang propetang si Eliseo ay paulit-ulit na nanuluyan sa tahanan ng isang mapagpatuloy na mag-asawa roon.​—2Ha 4:8.