Supa
Ayon sa karaniwang pagkakasalin, isang rehiyon o libis. Malamang na ito’y nasa kapaligiran ng Arnon. (Bil 21:14) Ang salitang Hebreong ito ay isinalin sa mga terminong gaya ng “buhawi” (Ro) at “bagyo” (AS tlb). Gayunman, ipinahihiwatig ng karamihan sa mga makabagong salin na ito’y isang rehiyon o libis, anupat sinasabing ang Vaheb ay matatagpuan “sa tabi ng Supa” (JB) o “sa Supa.”—AT, JP, NW, RS.