Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Supim

Supim

1. Isang inapo ni Benjamin, marahil ay sa pamamagitan ni Bela at ni Ir(i). (1Cr 7:6, 7, 12) Ang pagpapasok kay Supim sa mga talaangkanan ni Manases sa 1 Cronica 7:15 ay maaaring nagpapahiwatig ng isang kakaibang kaugnayan ng mga tribo. Sa Genesis 46:21 si Supim ay tinatawag na Mupim, posibleng dahil sa pagkakahawig ng mga titik sa sinaunang alpabetong Hebreo na kinakatawanan sa Tagalog ng s at m. Ang pangalan ay binabaybay ring Sepupa(m, n), at ipinakikilala nito ang indibiduwal bilang pinagmulan ng isang Benjamitang pantribong pamilya ng mga Supamita.​—Bil 26:39; 1Cr 8:5.

2. Isang bantay ng pintuang-daan na inatasan sa dakong K ng santuwaryo. (1Cr 26:16) Yamang ang huling tatlong titik ng kaniyang pangalan sa Hebreo (Shup·pimʹ) ay katulad na katulad ng huling tatlong titik ng naunang termino (behth ha·ʼasup·pimʹ), hinihinala ng mga iskolar na ito ay isang dittograph (isang di-sinasadyang pag-uulit ng eskriba), kung kaya sa talatang ito ay hindi ito pangalan ng isang tao.​—Ihambing ang 1Cr 26:10, 11.