Sutela
1. Isang anak ni Efraim at ninuno ng pantribong pamilya ng mga Sutelahita. (1Cr 7:20; Bil 26:35-37) Hindi binabanggit si Sutela sa tekstong Masoretiko ng Genesis 46:20, ngunit ang isang anyo ng kaniyang pangalan ay kabilang sa ilang pangalan na idinagdag dito sa Griegong Septuagint.
2. Isang Efraimitang inapo ng Blg. 1.—1Cr 7:20, 21.