Tabeel
[Mabuti ang Diyos].
1. Ama ng lalaki na binalak ng mga hari ng Israel at Sirya na ilagay sa trono sa Jerusalem kung mabibihag nila ang kabisera ng Juda. Hindi ibinigay ang pangalan ng anak. Nangyari ang insidente noong yugto na nagpang-abot ang mga paghahari nina Ahaz at Peka (sa pagitan ng mga 762 at 759 B.C.E.).—Isa 7:5, 6.
2. Kasamang may-akda ng isang liham na Aramaiko na ipinadala sa Persianong si Haring Artajerjes na sumasalansang sa gawain ng mga Judio na muling pagtatayo sa Jerusalem at naging dahilan upang matigil ang muling pagtatayo ng templo.—Ezr 4:7, 24.