Tabera
[Nag-aapoy [samakatuwid nga, liyab; lagablab]].
Isang kampamento ng mga Israelita sa Ilang ng Sinai. Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Dahil sa pagrereklamo ng Israel sa lugar na ito, nagsugo ang Diyos ng isang apoy na tumupok sa ilang taong-bayan sa dulo ng kampo. Ngunit nang magsumamo si Moises kay Jehova, ang liyab ay “nasawata” o napatay. Sa insidenteng ito nagmula ang pangalang “Tabera.”—Bil 11:1-3; Deu 9:22.