Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tadmor

Tadmor

Isang lokasyon sa ilang. Nagsagawa si Solomon ng pagtatayo sa lugar na ito pagkaraan ng 1017 B.C.E. (2Cr 8:1, 4) Karaniwang ipinapalagay na ang Tadmor ay ang lunsod na kilalá ng mga Griego at ng mga Romano bilang Palmyra. Ang mga guho nito ay nasa isang oasis sa hilagaang gilid ng Disyerto ng Sirya na mga 210 km (130 mi) sa HS ng Damasco. Isang kalapit na nayon ang tinatawag pa ring Tudmur ng mga Arabe. Kung ang Tadmor ay ang Palmyra nga, maaaring ang Tadmor ay nagsilbing isang garisong lunsod para depensahan ang malayong hilagaang hanggahan ng kaharian ni Solomon, at gayundin bilang isang mahalagang hintuan ng mga pulutong na naglalakbay.​—Tingnan ang TAMAR Blg. 4.