Tagapaglaba
Noong panahon ng Bibliya, isang tao na naglalaba ng maruruming damit at, gayundin, nagpoproseso ng bagong tela sa pamamagitan ng pagbi-bleach at pagpapaurong nito at pag-aalis ng mga langis mula rito upang maihanda para sa pagtitina. Sa Hebreo, maliwanag na ang termino para rito ay mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “yurakan,” samakatuwid nga, labhan sa pamamagitan ng pagyapak ng mga paa upang matanggal ang dumi. (Mal 3:2; tingnan ang PALILIGO, PAGHUHUGAS.) Ang salitang Griego para sa “tagapaglinis ng damit” (gna·pheusʹ) ay nauugnay sa gnaʹphos (prickly teasel; suklay na pang-alis ng buhol) at tumutukoy sa isang tao na nagpoproseso ng bagong tela o naglalaba at nagkukuskos ng narumhang mga kasuutan.
Noong sinaunang mga panahon, malamang na napapuputi nang husto ng mga tagapaglinis ng damit ang kanilang mga kasuutan sa pamamagitan ng paglalaba at pagbi-bleach. Gayunman, noong inilalarawan niya ang walang-katulad na kaputian ng mga kasuutan ni Jesus sa tagpo ng pagbabagong-anyo, sinabi ni Marcos: “Ang kaniyang mga panlabas na kasuutan ay kuminang, lalong higit na maputi kaysa sa magagawang pagpapaputi ng sinumang tagapaglinis ng damit sa ibabaw ng lupa.”—Mar 9:3.
Sosa. Sa Hebreo, ang salita para sa sosa [sa Ingles, alkali] ay neʹther, isang carbonate ng soda at tinatawag ding natron. Sa Ingles, tinagurian itong “mineral alkali,” upang ipakitang naiiba ito sa “vegetable alkali.” Ang natron ay isang katutubong uri ng kemikal na iyon, anupat ang mga komersiyal na uri niyaon ay kilala bilang soda ash at sal soda. Sa Kawikaan 25:20, ipinahihiwatig na bumubula ito kapag hinaluan ng mahinang asido. Bagaman sa ilang salin ay tinatawag itong “niter,” hindi ito dapat ipagkamali sa makabagong niter (nitre), tinatawag ding saltpeter o salitre, na maaaring alinman sa potassium o sodium nitrate.
Sa ganang sarili nito o bilang isang pangunahing sangkap ng sabon, ang sosang ito ay napakabisang panlinis. Pinatitindi ng bagay na ito ang puwersa ng mga salita ni Jehova hinggil sa kalubhaan ng pagkamakasalanan ng Israel: “Kahit hugasan mo ng sosa at kumuha ka man ng maraming lihiya, ang iyong kamalian ay tiyak na magiging mantsa sa harap ko.”—Jer 2:22.
Sa sinaunang daigdig, may ilang pinagkukunan ng suplay ng sosang ito, gaya ng mga lawa o mga deposito sa Sirya, India, Ehipto, at sa kahabaan ng timog-silangang mga baybayin ng Dagat na Patay. Bukod sa gamit nito bilang panlinis, iniuulat na ginamit ito ng mga Ehipsiyo at ng iba pa bilang panghalili sa yeast sa paggawa ng tinapay at bilang pampalambot kapag naglalaga ng karne; inihalo rin nila ito sa sukà bilang gamot sa sakit ng ngipin, at ginamit nila ito sa pag-eembalsamo.
Lihiya. Ang salitang Hebreo na bo·rithʹ, isinasalin bilang “lihiya” (sa Ingles, lye; sa ilang salin, Jeremias 2:22, ang mga salitang ito ay kapuwa lumilitaw sa iisang talata. May kinalaman sa kemikal na komposisyon ng mga ito, ang lihiya noong panahon ng Bibliya ay sodium carbonate o potassium carbonate, depende kung ang pananim na pinagkunan ng abo ay tumubo sa maasin na lupa malapit sa dagat o tumubo sa loobang lupain. Ang mga kemikal na nasa abo ay inihihiwalay sa pamamagitan ng leaching o pagsala sa pamamagitan ng tubig. Ang lihiyang ito ay naiiba sa makabagong-panahong kemikal na tinatawag na “lihiya,” ang nakapapasong potassium hydroxide. Noon, ang lihiya ng tagapaglaba ay ginagamit hindi lamang para sa paglilinis ng mga damit (Mal 3:2) kundi para rin sa pagtunaw ng mga metal na gaya ng tingga at pilak.—Isa 1:25.
“sabon”), ay tumutukoy sa isang vegetable alkali na naiiba sa neʹther, ang tinaguriang mineral alkali. Magkaiba ang mga ito hindi dahil sa kemikal na komposisyon kundi, sa halip, dahil magkaiba ang mga pinagkukunan ng suplay ng mga ito. SaAbong Panlinis. Sa Job 9:30, ang salitang Hebreo na bor ay isinasalin bilang “abong panlinis” (NW), “sabon” (Yg), “lihiya” (AT). Doon ay binabanggit na ginagamit ito sa paglilinis ng mga kamay. Ipinapalagay na ang panlinis na ito ay alinman sa potassium carbonate o sodium carbonate. Ang potash, na pangalan nito sa Ingles, ay hinango sa paraan ng paggawa rito: una, ang abo [ash] ng kahoy ay sinasala sa pamamagitan ng tubig upang matangay ang lihiya; pagkatapos, ang likidong iyon ay pinakukuluan sa mga palayok [pot] hanggang sa matuyuan ng tubig.