Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tagapamahala ng Lunsod, Mga

Tagapamahala ng Lunsod, Mga

Mga mahistrado sibiko (sa Gr., po·li·tarʹkhai) na sa harap nila ay kinaladkad ng galít na mga mang-uumog sa Tesalonica si Jason at ang iba pang mga Kristiyano. (Gaw 17:5-8) May kinalaman sa paggamit sa terminong Griegong ito, sinasabi ni G. Ernest Wright: “Isang inskripsiyon sa pintuang-daang ito [ang Vardar Gate na mula sa Tesalonica], na ngayon ay nasa British Museum, ang bumabanggit ng ilang opisyal ng lunsod na tinatawag na ‘mga politarch’. Maraming iba pang inskripsiyon na kababasahan ng salitang ito. Ginagamit din sa Gawa 17:6 ang terminong ito bilang pangalan ng mga opisyal na sa harap nila ay kinaladkad ang mga Kristiyano noong nagkagulo dahil sa pangangaral ni Pablo. Sa kabaligtaran naman, hindi masusumpungan ang salitang ito sa umiiral na panitikang Griego at ang impormasyon mula sa arkeolohiya ang nagpapatunay sa katumpakan ng salaysay ni Lucas sa puntong ito.”​—Biblical Archaeology, 1962, p. 260; tingnan ang ARKEOLOHIYA (Arkeolohiya at ang Kristiyanong Griegong Kasulatan).