Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Talmai

Talmai

1. Kapatid nina Ahiman at Sesai, mga anak ni Anak. (Bil 13:22; Jos 15:14; Huk 1:10; tingnan ang AHIMAN Blg. 1.) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang pangalang Tanmahu, natagpuan sa isang inskripsiyong hieroglyphic na naglalarawan ng isang lalaking matangkad at maputi, ay ang katumbas sa Ehipsiyo ng Talmai. Ang pangalang Canaanita na ito ay lumilitaw rin sa mga tekstong Ras Shamra na mula sa kapanahunan ng mga Hukom.

2. Isang anak ni Amihud; hari ng Gesur. (2Sa 13:37) Isinilang ni Maaca na anak ni Talmai si Absalom kay David. (2Sa 3:3; 1Cr 3:2) Pagkatapos ipapatay ni Absalom si Amnon dahil sa panghahalay nito sa kaniyang kapatid na si Tamar, tumakas siya patungo sa kaniyang lolong si Talmai.​—2Sa 13:28, 29, 37, 38.