Tapua
[(Puno ng) Mansanas].
1. Isa sa apat na anak ni Hebron at inapo ni Caleb. (1Cr 2:42, 43) May mga nagmumungkahi na ang kaniyang pangalan ay maiuugnay sa Bet-tapua, na isang bayang malapit sa Hebron.—Tingnan ang BET-TAPUA.
2. Isang bayan sa rehiyon ng Sepela at nakaatas sa tribo ni Juda. (Jos 15:20, 33, 34) Kaya naman iba ito sa Bet-tapua na nasa lugar ng Hebron. Ipinapalagay na ang lugar na ito ay ang Horvat Bet Natif na nasa loob ng tiwangwang na nayon ng Beit Nattif, mga 20 km (12 mi) sa K ng Betlehem.
3. Isang bayan na nasa hangganan ng Efraim at Manases. (Jos 16:8) Ang lupain sa palibot, “ang lupain ng Tapua,” ay itinakda sa Manases, ngunit ang lunsod ay itinakda sa Efraim. (Jos 17:8) Maliwanag na ang En-Tapua (Jos 17:7) ay tumutukoy sa isang kalapit na bukal (sa Heb., ʽAʹyin, o En, na nangangahulugang “bukal,” kapag ginamit bilang unlapi) at maaaring ito’y isang mas kumpletong pangalan ng lunsod ng Tapua.
Ang “hari ng Tapua” ay binanggit na kasama sa mga tagapamahalang nilupig ni Josue noong sakupin nila ang Canaan (Jos 12:17), at ang “Tapua” rito ay malamang na tumutukoy sa Efraimitang lunsod. Ipinapalagay na ang Tapua sa Efraim ay ang Tell Sheikh Abu Zarad (Tel ʼAbu Zarad), na mga 13 km (8 mi) sa TTK ng Sikem at nasa ibaba lamang ng bayan ng Yasuf.