Tartak
Isang bathalang sinamba ng mga Avita, na pinamayan ng hari ng Asirya sa teritoryo ng Samaria pagkatapos niyang dalhin sa pagkatapon ang mga Israelita ng sampung-tribong kaharian. (2Ha 17:31) Ayon sa Babilonyong Talmud, si Tartak ay may anyong asno. (Sanhedrin 63b) Yamang ipinapalagay na ang pangalang Tartak ay katulad ng salitang Pahlavi (Persiano) na tar-thakh (matinding kadiliman, bayani ng kadiliman), iminumungkahi na maaaring si Tartak ay isang demonyo ng kalaliman. Gayunman, maliban sa pahapyaw na pagbanggit ng Kasulatan kay Tartak, wala nang iba pang masasabi nang may katiyakan tungkol sa bathalang ito.