Tatenai
Ang gobernador ng Persianong probinsiya “sa kabilang ibayo ng Ilog” noong panahon ng paghahari ni Dario I (Hystaspis). Nang pasimulan na naman ng mga Judio na muling itayo ang templo noong ikalawang taon ni Dario (520 B.C.E.), si Tatenai at ang kaniyang mga kasamahan ay pumaroon sa Jerusalem upang magsagawa ng pag-uusisa. Itinawag-pansin ng mga Judio ang orihinal na utos ni Ciro; dahil dito ay sumulat si Tatenai kay Dario anupat itinatanong kung nagpalabas nga ng gayong utos, gaya ng ipinakikipaglaban ng mga Judio. Ang tinanggap na sagot ay nagpatibay sa utos ni Ciro at sa pagiging marapat ng gawain sa templo, at nagbabala ito kay Tatenai na huwag makialam kundi maglaan ng materyal na tulong sa mga Judio. Ginawa naman ito ni Tatenai.—Ezr 4:24–6:13.