Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tebez

Tebez

Isang lunsod na may matibay na tore. Nang makuha ni Abimelec ang Tebez at tangkain niyang salakayin ang tore kung saan nanganlong ang mga taong-bayan, isang babae ang naghagis sa kaniya ng pang-ibabaw na gilingang-bato mula sa ibabaw ng pader. Dahil nabasag ang kaniyang bungo nang tamaan nito, iniutos ni Abimelec sa kaniyang tagapaglingkod na patayin siya upang walang makapagsabi, “Isang babae ang nakapatay sa kaniya.”​—Huk 9:50-54; 2Sa 11:21.

Ang Tebez ay pansamantalang iniuugnay sa makabagong Tubas, na mga 15 km (9.5 mi) sa HHS ng Sikem, bagaman walang mga labí roon na magpapatunay na iyon nga ang lugar na ito.