Telam
Labindalawang manuskrito ng Griegong Septuagint ang nagsasabi na ang Tela(m) ay isa sa mga hangganan ng mga tirahan ng mga Gesurita, mga Girzita, at mga Amalekita noong panahon ni David. (1Sa 27:8) Waring iniuugnay nito ang Telam sa Telaim, na tinukoy sa 1 Samuel 15:4, at sa Telem sa hilagang Juda. (Jos 15:21, 24) Sa 1 Samuel 27:8, ang Hebreong tekstong Masoretiko ay kababasahan ng “mula pa noong sinaunang panahon,” na naiiba sa pananalitang “mula sa Telam” dahil lamang sa dalawang katinig na Hebreo.