Tema
1. Isa sa mga anak ni Ismael.—Gen 25:13-15; 1Cr 1:29, 30.
2. Ito rin ang makabagong Taima, isang oasis na mga 400 km (250 mi) sa TS ng Ezion-geber, kung saan nagtatagpo ang dalawang pangunahing ruta ng mga pulutong na naglalakbay. (Job 6:19) Ang Tema, pati na ang kalapit na Dedan, ay binabanggit sa mga hula nina Isaias (21:13, 14) at Jeremias (25:15-23). Sa huling nabanggit na hula, ang Tema ay espesipikong tinukoy bilang isa sa mga lugar na ang mga tumatahan doon ay mapipilitang uminom ng ‘kopa ng alak ng pagngangalit’ ni Jehova. Lumilitaw na nagtatag ang Babilonyong si Haring Nabonido ng ikalawang kabisera sa Tema, anupat iniiwan si Belsasar upang mangasiwa sa Babilonya kapag wala siya roon.