Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tertulo

Tertulo

[mula sa Lat., maliit na Tercio].

Isang pangmadlang tagapagsalita na nagsampa ng usapin ng mga Judio laban kay Pablo sa harap ni Gobernador Felix sa Cesarea. Ayon sa iniulat ni Lucas, ang karamihan sa pananalita ni Tertulo ay personal na pumupuri kay Felix, at napakaikli lamang ng akusasyon laban kay Pablo, anupat tinangka niya itong isangkot sa madalas na mga sedisyon laban sa Roma. (Gaw 24:1-8) Walang anumang nalalaman nang tiyak tungkol sa nasyonalidad ni Tertulo, kung siya ba ay Judio o Romano.