Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tet

Tet

[ט].

Ang ikasiyam na titik ng alpabetong Hebreo. Ang tunog na kinakatawanan ng titik na ito ay katumbas ng mariing Ingles na “t,” na nalilikha sa pamamagitan ng pagdiriin ng dila sa ngalangala. Ang tunog nito ay naiiba sa tunog ng titik na taw [ת] pangunahin nang dahil sa wala itong hanging ibinubuga pagkatapos bigkasin ang tunog na “t.” Sa orihinal na Hebreo, lumilitaw ito sa pasimula ng bawat talata ng Awit 119:65-72.