Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tibhat

Tibhat

[Pagpatay].

Isang lunsod sa H ng Palestina kung saan kumuha si David ng napakaraming tanso pagkatapos niyang pabagsakin si Hadadezer, hari ng Zoba, sa Hamat, mga 230 km (140 mi) sa HHS ng Dan. (1Cr 18:3, 8) Sa katulad na paglalarawan sa kampanya ni David sa 2 Samuel 8:8, lumilitaw na ang Tibhat ay tinatawag na Beta. (Tingnan ang BETA.) Iminumungkahi ng ilan na ang Tibhat ay isinunod sa pangalan ng anak ni Nahor na si Teba. (Gen 22:24) Yamang ang Tibhat ay bahagi ng Arameanong kaharian ng Zoba, malamang na ang lokasyon nito ay nasa libis sa pagitan ng mga kabundukan ng Lebanon at ng Anti-Lebanon. May natagpuan sa Lebanon na mga labí ng sinaunang mga kayariang tanso, kasuwato ng ulat ng Bibliya.